Photo courtesy of Quezon City LGU
Agad naghatid ng tulong ang Quezon City government sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Obrero nitong Sabado, April 12.

Kabilang dito ang hot meals, relief goods, health at medical services, at mga gamot para sa mga pamilyang nananatili sa evacuation center.
Personal na bumisita rin si QC Mayor Joy Belmonte at kinamusta ang mga apektadong pamilya.

Nakipag-ugnayan din ang alkalde sa barangay at sa komunidad na apektado ng sunog para agad na matugunan ano man ang kanilang pangangailangan.
Sa ulat ng BFP, nasa tinatayang 100 kabahayan ang natupok sa sumiklab na sunog sa Barangay Obrero, Quezon City noong Sabado ng gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa