Isusulong ni dating DILG secretary at Alyansa senatorial candidate Benhur Abalos ang pagrepaso sa Overseas Employment Certificate (OEC) at contract verification processes, na isa sa mga hinaing ng maraming OFW.
Sa kaniyang pakikipagdayalogo sa mga OFW sa Middle East, Europe at Asya, partikular na idinulog kay Abalos ang mabagal na appointment system at mahabang pila para makakuha ng kinakailangang travel documents.
Sabi pa ng ilan sa kaniyang nakausap na OFW, nakakain ng pagkuha ng naturang mga dokumento ang sana’y araw ng bakasyon nila dito sa Pilipinas dahil minsan ay inaabot ng isang linggo hanggang isang uwan ang beripikasyon.
Giit ni Abalos, nakakalungkot na ang isang simpleng requirement ay nagiging komplikado.
Kaya naman isa aniya ito ang kaniyang aayusin sakaling palaring makapasok sa senado.
Partikular na aniya ang full digitalization ng proseso at pagtatakda ng maximum proessing time para sa OEC at contract verification issuance.
“We receive countless suggestions from our modern-day heroes. It’s our duty to listen—and to act…I promise you — kung ako po ay papalarin — I will champion legislation that makes these processes faster.” Ani Abalos. | ulat ni Kathleen Forbes