Pinaiigting ng Korte Suprema ang modernisasyon ng hudikatura sa pamamagitan ng pagsasanay sa digital filing at email management.
Dahil dito ay nagsagawa ang Supreme Court ng hands-on training sa eMail Management in Digital Filing and Service sa Metrocentre Hotel, Tagbilaran City, Bohol kung saan dinaluhan ito ng mga hukom at kawani mula sa Judicial Region VII.
Ang pagsasanay ay bahagi ng eCourt PH Version 2.0, na nagtatampok ng electronic filing (eFiling)—isang sistema kung saan isinusumite at inihahatid ang court documents sa pamamagitan ng email para mapabilis ang proseso ng korte.
Bahagi ito ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 na naglalayong gawing ganap na digital ang court system para sa civil cases pagsapit ng Abril 2026.
Tiniyak naman ng Kataas taasang Hukuman ang kanilang hakbang tungo sa episyenteng hustisya sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco