Inaasahang magsisimula agad ang Philippine Inter-Agency Contingent na ipinadala sa Myanmar para tumulong sa Search, Rescue, and Retrieval Operations doon.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng Philippine Air Force (PAF) na nakumpleto na ang dalawang batch ng Pinoy contingent na umalis sa bansa nitong April 1-2.
Ayon kay Philippine Contingent Commander, Lieutenant Erwen Diploma, walang sasayanging oras ang mga miyembro ng lupon dahil bawat sandali ay mahalaga upang makasagip ng buhay.

Binubuo ang Urban Search and Rescue Team ng mga kinatawn mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.
Habang magbibigay serbisyong medikal naman ang kinatawan ng Department of Health sa pakikipag-ugnayan ng Office of Civil Defense. | ulat ni Jaymark Dagala
