Daragdagan pa ni Transportation Secretary Vince Dizon ang provincial buses na ipapakalat sa bawat terminal sa bansa.
Ito ay upang magkaroon ng mas mabilis na mobility ang ating mga kababayan na bibiyahe ngayong Holy Week.
Ayon sa kalihim, inatasan na niya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-mobilize ang mga bus na ito upang maiwasan ang fully booked, at maiwasan ang pagkakaroon ng congestion sa mga bus terminal.
Sa huli, hangad naman ni Dizon na mas mapataas pa ang antas ng pagbiyahe ng ating mga kababayan sa karatig probinsya hindi lamang tuwing holiday season, maging sa pang araw-araw na biyahe. | ulat ni AJ Ignacio