Hinimok ni Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na paghandaan ang posibilidad ng pagsakop ng China sa Taiwan.
Pinunto ng senador na tinatayang nasa 300,000 na Pilipino ang nasa Taiwan at sila ang dapat na pangunahing concern ng gobyerno sakaling matuloy ang paglusob ng China doon.
Naniniwala si Gatchalian na malaki ang posibilidad na mangyari ang pananakop ng China dahil, sa kanyang pananaw, maaaring nahikayat ang China matapos ang nangyari sa Ukraine.
Ngayon pa lang ay dapat aniyang mahigpit nang imonitor ng gobyerno ang sitwasyon.
Kailangan na rin aniyang matukoy ng ating mga otoridad ang kinaroroonan ng mga Pilipino sa Taiwan at mapag-aralan kung ano ang pinakamabilis na paraan para maiuwi sila dito sa ating bansa, sa pamamagitan man ng eroplano o barko.
Binigyang-diin rin ni Gatchalian na importante ang reintegration program para sa mga babalik na Pilipino. | ulat ni Nimfa Asuncion