Ikinalungkot ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang naging desisyon ng Sandiganbayan na ibasura ang apela niyang i-dismiss na ang graft charges laban sa kanya.
Sa 99-page resolution na inilabas ng anti graft court, hindi inaprubahan ang apela ng senador na ibasura ang 11 counts ng graft cases laban sa kanya kaugnay ng di umano’y maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ikinadismaya ni Estrada ang nangyari lalo na aniya’t una nang kinatigan ng Sandiganbayan ang una nitong desisyon, na naglilinis ng kanyang pangalan mula sa akusasyon ng maling paggamit ng PDAF.
Sa kabila nito, sinabi ni Estrada na patuloy niyang igigiit ang kanyang karapatan na maghanap ng legal remedy kabilang na ang paghahain ng motion for reconsideration.
Naniniwala ang mambabatas na sa dulo ay papanig sa kanya ang katotohanan. | ulat ni Nimfa Asuncion