Pinalilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung ano ang kaugnayan at bakit concerned ang Pilipinas sa isyu sa pagitan ng Taiwan at China.
Ginawa ng senador ang pahayag matapos lumabas sa mga news site ang headline na pinaghahanda ni AFP Chief Romeo Brawner Jr. ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sakaling mainvade ang Taiwan.
Pinunto ni Pimentel na mula sa mga naglalabasang headline, tila lumalabas na may balak makialam ang ating bansa sa China-Taiwan issue.
Pero ang katotohanan aniya ay ang concern naman ng AFP ay ang pag-rescue sa mga Pilipinong nasa Taiwan.
Giit ng minority leader, dapat maging malinaw na ang pinaghahandaan ng AFP ay ang pagliligtas sa higit 100,000 na mga Pinoy sa Taiwan sa gitna ng panahon ng armed hostilities. | ulat ni Nimfa Asuncion