Nagsagawa ng ocular inspection si Senate Committee on Public Services chairman senador Raffy Tulfo noong April 3 sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) matapos mangyari ang hinihinalang “tanim-bala” incident sa nasabing paliparan nitong noong March 27.
kabilang sa mga sinilip ni tulfo ang x-ray scanning area sa MCIA, proseso ng pag-aksyon tuwing nahuhulihan ng kontrabando ang mga pasahero gaya ng bala, CCTV cameras, at sorting areas ng mga check in baggages.
nakausap ng senador si MCIA general manager and CEO Julius Neri Jr. kung saan sinabi nitong walang tanim bala na naganap at giniit na nasunod ang lahat ng security protocols kapag may intercepted items tulad ng pag-search sa bag, pag-hold ng pasahero, at pagproseso ng kaso.
Huling ininspeksyon ni Tulfo ang taxi bays sa MCIA kung saan mayroong nakapaskil na standard taxi rates sa mga booth at may ibinibigay sa mga pasahero kung saan nakalagay ang pangalan ng taxi operator, drayber at ng plate number nito.
Pinuri ni Tulfo ang mga nakita niyang best practices ng MCIA partikular na sa airport security at passenger safety and convenience, at sinabi niyang imumungkahi niyang mai-apply din ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). | ulat ni Nimfa Asunsion