Hindi pwedeng pilitin ang kongreso na magpasa ng anumang panukalang batas sa pamamagitan ng mandamus base sa una nang naging desisyon ng Korte Suprema.
Ito ang binigyang diin ni Senate President Chiz Escudero sa petisyong inihain ng 1Sambayan na humihiling sa Korte Suprema na imandato ang kongreso na magpasa ng isang anti-political dynasty law.
Tinukoy ni Escudero ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng petition case noong 2013.
Ayon sa senate president, kung sa kaso ng executive privilege ay kinatigan ng Korte Suprema ang mga nauna nilang desisyon tungkol dito, ay umaasa siyang ganito rin ang mangyayari sa bagong petitsyon kaugnay ng pagpapasa ng political dynasty law. | ulat ni Nimfa Asuncion