Bad news para sa mga customer ng Manila Electric Company (Meralco).
Ito ay dahil magkakaroon ng P0.72 kada kilowatt-hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril.
Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil ay bunsod ng pagtaas ng generation charge dulot ng mataas na presyo sa Wholesale Electricity Spot Market.
Nakaapekto rin sa pagtaas ang dagdag sa transmission charge at iba pang singil tulad ng buwis.
Katumbas ang dagdag singil sa kuryente ng P145 para sa mga customer na kumokonsumo ng 200 kada kilowatt-hour sa isang buwan, at P360 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kada kilowatt-hour sa isang buwan. | ulat ni Diane Lear