Kinilala ni Senate President Chiz Escudero ang pagbibigay ng tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) sa 20 mga Pinoy na inaresto sa Qatar, dahil sa pagsasagawa ng hindi otorisadong kilos protesta.
Ayon kay Escudero, ang mabilis na pag aksyon ng DFA at DMW ay nagresulta sa pagpapalaya sa apat na Pinoy kabilang na ang tatlong menor de edad na nakisali sa political demonstration.
Giit ng senate leader, tama na sa pagseserbisyo publiko ay dapat talagang walang bahid pulitika at ito ang pinatunayan ng mga kawani ng ating embahada doon.
Sa ngayon, isa sa 20 mga Pinoy na inaresto ng Qatari authorities ay nakalaya na sa tulong ng Philippine Embassy sa Doha, samantalang nagbibigay naman ng legal assistance ang labor attaché sa Qatar sa iba pa.
Inaasahan ni Escudero, na patuloy na magsusumikap ang mga otoridad ng Pilipinas para mapalaya ang mga Pinoy.
Kasabay nito ay pinaalalahanan rin ng senate leader ang mga Pinoy sa Qatar, at ang iba pang nagtatrabaho sa ibang bansa na sumunod sa batas ng mga bansang kinaroroonan nila. | ulat ni Nimfa Asuncion