Nais makita ng House Committee on Metro Manila Development ang plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano tutugunan ang epekto sa daloy ng trapiko ng mga nakalinyang pagsasaayos ng kalsada at tulay sa Metro Manila.
Ayon kay Representative Rolando Valeriano, Chair ng komite, na hindi bababa sa 17 tulay sa Metro Manila ang sasailalim sa retrofitting kasama na ang pagpapatibay sa Guadalupe Bridge.
Bukod dito ay sasailalim din sa rehabilitasyon ang kahabaan ng EDSA at mayroon din aniyang mga nakalinyang flood control projects ngayong taon.
Kaya naman nais malaman ng komite kung ano ang magiging tugon dito ng pamahalaan, lalo na sa collateral impact nito sa mga residente at negosyo.
Nais din aniya ng komite na makita kung paano matitiyak ng DPWH na matatapos ang lahat ng proyekto on time. | ulat ni Kathleen Forbes