Nagpahayag ng pagkabigla at pagkadismaya si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa umano’y illegal na operasyon ng terminal ng mga bus company sa EDSA Pasay City.
Sa isinagawang pagbisita, napansin umano niya ang kakulangan sa aktwal na operasyon sa terminal at pinagdududahan kung legal ba ang kanilang operasyon.
Bukod sa terminal, binigyang-diin din ng Kakihim ang kawalan ng kasiguraduhan sa roadworthiness ng mga bus kasabay ng pagdami ng mga aksidente sa lansangan.
Plano ng opisyal na makipag-ugnayan sa Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), upang alamin kung may kaukulang permit ang mga nasabing kumpanya. | ulat ni AJ Ignacio