Nag-ikot si Transportation Secretary Vince Dizon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX upang masiguro ang kahandaan nito sa inaasahang exodus o dagsa ng mga pasahero ngayong Holy Week
Sinabi ng kalihim, na dapat every 150 meters ay may palikuran sa terminal.
Saad pa ng kalihim ay nais niyang ayusin ang short trips na magkaroon ng estimated time of arrival sa kanilang bawat biyahe, upang maging punctual ang bawat alis ng short trips sa PITX.
Samantala, nasa 51,791 at inaasahang madadagdagan pa ang total foot traffic sa PITX as of 10 AM kahapon ng umaga. | ulat ni AJ Ignacio