Ito ang iginiit ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard sa isyu ng West Philippine Sea, sa Kapihan sa Manila Bay News Forum.
Ayon kay Tarriela, wala pa namang nangyari na may mga Chinese national na napahamak sa Pilipinas dulot ng isyu ng West Philippine Sea.
Kahit pa nga aniya sa kasagsagan ng pagiging agresibo ng China sa WPS, nanatili aniyang maayos ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga Chinese sa bansa.
Una rito, sa inilabas na travel advisory ng China, pinag-iingat nito ang kanyang mamamayan na nasa Pilipinas na at iba pang planong magtungo sa bansa.
‘Yan ay dahil sa delikado umanong sitwasyon sa Pilipinas.
Giit ni Tarriela, wala siyang nakikitang koneksyon sa dahilan ng nasabing travel advisory kung WPS issue ang magiging basehan. | ulat ni Lorenz Tanjoco