Naniniwala si Cong. Gerville Luistro na may sapat na batayan para irekomenda ng House Tri-Committee ang paghahain ng kaukulang reklamo laban kay Atty. Harry Roque oras na maglabas sila ng committee report.
Kasunod ito ng salaysay ng social media personality na si Pebbles Cunanan kung saan itinuro niya si Roque na isa sa nasa likod ng pagpapakalat ng pekeng video para siraan ang Pang. Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon pa kay Luistro na isa ring abogado, isa sa maaaring ikaso kay Roque ay cyber libel.
“Meron Pebbles Cunanan na nagsalaysay pointing at Atty. Harry Roque. We have the government agencies also who are testifying na talagang deep fake yung polvoron video. So for the purpose of filing sobra pa nga sa probable cause yung amount of evidence na gather na nila…Ang malinawag may cyber libel diyan.” Sabi ni Luistro.
Kailangan naman aniya kumilos ng mga para suriin ang panibagong video na sinasabi ni Roque na magpapatunay na gumagamit ng iligal na droga ang pangulo.
Sabi ni Luistro, tila nagiging gawi n ani Roque ang magpakalat ng fake video.
“That will be another challenge for the Tri-Comm to determine whether the same is fake news pa rin or hindi and if this is still fake, mukhang nagiging practice na nya diba and these people should be held answerable for peddling this fake news especially they’re doing this against the highest official of the land.” Ani Luistro.
Aminado si Luistro na nakakabahala na ang paglaganap ng fake news.
Sabi pa niya na kung mismong ang pinakamataas na opisyal ng bansa ay nabiktima ng manipulated na video ay hindi malayong mangyari din ito sa ordinaryong indibidwal. | ulat ni Kathleen jean Forbes