Pormal nang natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong steel bridge sa Barangay Central Poblacion, Gamay. Pinalitan nito ang dating kahoy na tulay na delikado lalo na tuwing tag-ulan.
Ayon kay DPWH Region 8 Director Edgar Tabacon, malaking ginhawa ito para sa mga residente, partikular sa mga estudyante, dahil mas ligtas at mabilis na ang kanilang biyahe papunta sa paaralan at pamilihan.
Ang 91.7-metrong tulay, na nagkakahalaga ng mahigit P12.8 million, ay bahagi ng Build Better More program ng administrasyong Marcos at layuning palakasin ang konektibidad sa mga liblib na lugar.
Dagdag pa ng ahensya, na ikinatuwa umano ng mga residente ang pagkakakumpleto ng naturang tulay kung saan direktang magbebenepisyo ang mga ito sa mas ligtas at mas maigsing ruta. | ulat ni Lorenz Tanjoco