Iba’t ibang ritwal at cultural presentation ang ipinakita ng Manobo Indigenous Cultural Communities sa Loreto, Agusan del Sur kaugnay sa pagdiriwang ng 20th Umajam Festival.

Binibigyang pugay ng Manobo Indigenous Peoples ang Umajam Festival dahil sa malalim na koneksyon nito sa Umajam River na nagsisimbolo sa kanilang ancestral domain.


Nagtipon-tipon din ang mga Indigenous Peoples Mandatory Representatives o IPMRs sa naturang probinsya para mapag-usapan ang kanilang access sa healthcare services sa pamamagitan ng pagbubuo ng partnerships at IP Consultative Body.

Inaasahan din ng National Commission on Indigenous Peoples Caraga na sa pamamagitan ng selebrasyon sa Umajam Festival ay maipagpatuloy ang pagkakaisa at maipreserba ang cultural heritage ng Manobo Indigenous People. | ulat ni Jezreel Sudario | RP1 Butuan
