Isang resolusyon ang inihain ni Representative Marivic Co Pilar para siyasatin, “in aid of legislation” ang umano’y “condominium oversupply” sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito ng ulat noong Oktubre 2024 na aabot sa 67,600 ang condo units sa 510 na aktibong selling buildings sa Kalakhang Maynila, na ang karamihan ay sa Pasig, Maynila, Caloocan at sa Quezon City.
Tinukoy sa kaniyang House Resolution 2229 ang umano’y oversupply ng condo units sa naitala sa Quezon City na nasa 18,500 units; Ortigas, 13,500 units; Bay Area, 10,500 units; Maynila, 8,500 units; Alabang, 5,800 units; Makati, 3,400 units; at sa BGC, 1,300 units.
Sa kabila naman nito ay hindi pa rin aniya nareresolba ang isyu ng “backlog” sa pabahay na nasa 6.5 million hanggang nitong 2024.
Babala ng kinatawan, na kung hindi ito matutugunan ay maraming tao ang walang matitirhan at magpapalala sa tinatawag na “social inequality”. | ulat ni Kathleen Forbes