Inaprubahan ng Estados Unidos ang pagbebenta sa Pilipinas ng 20 F-16 fighter jets na nagkakahalaga ng $5.5 bilyon.
Ayon sa US State Department, layon ng foreign military sale na ito na palakasin ang seguridad at depensa ng Pilipinas bilang isang mahalagang kaalyado sa rehiyon ng Southeast Asia.
Inaasahang makatutulong ito sa Armed Forces of the Philippines na madepensahan ang mga teritoryo nito sa pamamagitan ng maritime domain awareness.
Samantala, sinabi ni Department of National Defense (DND) Spokesperson Assistant Secretary Arsenio Andolong na wala pa silang natatanggap na notice sa kabila ng anunsyo ng US State Department.
Kabilang sa umano’y inaprubahan ang pagbebenta ng iba’t ibang unit ng fighter falcon aircraft kasama ng technical at logistics support service.
Nabatid na inanunsyo ito ng US ilang araw matapos ang pagbisita sa bansa ni US Secretary of Defense Pete Hegseth. | ulat ni Diane Lear