Isinailalim sa reorganization ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG).
Ito ang paglilinaw ng AFP makaraang kumalat ang ulat na binuwag na umano ang security detail ng Pangalawang Pangulo ng bansa.
Batay sa pahayag ng AFP Public Affairs Office, nagsagawa sila ng adjustment sa naturang yunit at pinalitan na rin ginawa na rin itong “AFP Security and Protection Group (AFPSPG).”
Ayon sa AFP, Pebrero pa nang aprubahan ng Department of National Defense (DND) ang nasabing hakbang na layuning pag-isahin ang Security and Protection Operations nito.
Giit ng AFP, mas makatutulong pa ito para tiyaking walang balakid sa pagbibigay proteksyon sa Pangalawang Pangulo ng Republika, kasalukuyan man o maging sa mga susunod pa. | ulat ni Jaymark Dagala