Umaasa si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairperson Zia Alonto Adiong na agad na ipapasa ng Senado ang panukalang Anti-Political Dynasty Act, upang maisakatuparan ang matagal nang hinihintay na reporma sa sistemang pampulitika ng bansa.
Sa panayam kay Adiong, matapos aprubahan ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill, sinabi niyang sumasalamin ang panukala sa matibay na pangako ng Kamara na isulong ang isang mas patas, inklusibo, at demokratikong sistemang pampulitika.
Ayon kay Adiong, layunin ng panukalang batas na bigyang malinaw na depinisyon ang political dynasty alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon, nang hindi nilalabag ang karapatan ng mga mamamayan na malayang pumili ng kanilang mga lider.
Diin ni Adiong, na hindi layunin ng panukalang ito na hadlangan ang demokrasya, kundi tiyaking mas magiging bukas at patas ang pagkakataon para sa lahat ng kwalipikadong Pilipino na makilahok sa pamamahala.
Pinasalamatan din niya sina House Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos sa kanilang mahalagang suporta at pamumuno na naging daan sa pagpasa ng landmark legislation sa Kamara.
Nanawagan din iti sa taumbayan na i-monitor ang mga proseso ng pagpasa ng batas dahil ito ay mahalagang reporma sa political landscape. | ulat ni Melany Valdoz Reyes