Handa na ang school supplies, uniporme at iba pang kagamitan na ipamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa pagbubukas ng klase.
Kabilang sa mga ipamamahagi ang mga jacket na may hoodie na inilaan para sa mga estudyanteng nag-aaral sa mga modernong fully air-conditioned school buildings sa lungsod.


Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila, unang makatatanggap ng mga jacket ang mga mag-aaral ng Rosauro Almario Elementary School habang unti-unti ring palalawakin ang distribusyon nito sa iba pang pampublikong paaralan.
Saklaw ng programa ang mga paaralang gaya ng Rosauro Almario Elementary School, Manila Science High School, Dr. Alejandro Albert Elementary School, at Ramon Magsaysay High School na kasalukuyang tinatapos.
Bahagi ito ng paghahanda ng lungsod para sa maayos at kumpletong pagbabalik-eskwela ng mga Batang Manileño ngayong pasukan.