Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga mag-aaral na paunlarin at pagyamanin ang kanilang mga talento sa larangan ng teknolohiya upang makatulong sa pagtuklas ng mga makabagong solusyon at inobasyon.

Ginawa ng Pangulo ang paghikayat kasunod ng ginawang courtesy call ng mga miyembro ng Philippine Robotics National Team sa kanya sa Malacañang.

Sa mensahe ng Pangulo, hinikayat nito ang mga estudyante na ipursige ang kanilang interes sa inobasyon sa kabila ng mga hamong kinakaharap.
Payo ng Pangulo, huwag bitiwan ang mga ideyang naiisip, panatilihing panghawakan ito, at manatiling pokus sakali mang dumating ang pagkakataong datnan ng panghihina ng loob.

Sa courtesy call ay nag- demonstrate pa ang mga miyembro ng Philippine Robotics National Team ng kanilang robotics project na assistive mobility device para sa mga batang may cerebral palsy, at isang AI companion robot na nakadisenyo para umasiste sa gawaing bahay at nakaka- detect ng emergencies. | ulat ni Alvin Baltazar
Photos: PCO Facebook Page