Sinabi ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro na ang liderato ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian ang kikilalanin ng prosecution panel para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos magpalit ng bagong mayorya ang Senado noong Miyerkules at naitalaga si Gatchalian bilang Acting Senate President.
Ayon kay House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro kinilala na ng Kamara de Representantes at ng Malacañang ang liderato ni Gatchalian.
Sa ngayon, inaantabayanan pa ang pormal na komunikasyon ng bagong liderato sa House prosecution panel para sa isasagawang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Umaasa si Luistro na makabalik na sa regular course of business ang operation ng Senado upang mapagtuunan ng pansin ang impeachmemt trial na siyang inaabangan ng publiko.
Sa ngayon ay patuloy ang komosyon sa Senado matapos mag-adjourn ng session ang Kongreso.