Valenzuela LGU
Bago ang balik-eskwela sa Lunes, nag-ikot sa iba’t ibang retail establishment sa Valenzuela ang Consumer Welfare Unit o CWU ng pamahalaang lungsod para silipin ang presyo ng itinitindang school supplies.
Layon ng aktibidad na tiyakin ang pagsunod ng mga establisyimento sa Suggested Retail Prices o SRP ng Department of Trade and Industry (DTI), at maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili.

Kabilang sa ininspeksyon ang mga supermarket, department store, bookstore, at iba pang retail establishments sa District 1 at District 2, kung saan sinuri ang presyo ng mga pangunahing school supplies tulad ng notebook, pad paper, ballpen, lapis, at iba pang kagamitang pampaaralan.

Sinuri rin ng mga awtoridad ang tamang paglalagay ng price tags at sapat na suplay ng school supplies bago ang pasukan.
Pinaalalahanan naman ang publiko na maaaring magsumbong sa Department of Trade and Industry kung may mapansing paglabag sa presyo o kalidad ng mga kagamitang pampaaralan. reporttosec@dti.gov.ph.