Pinag-uusapan pa ng bagong majority bloc kung pormal na silang hihiling sa Malacañang na magpatawag ng special session para matapos ang mga nakabinbing gawain ng Senado dahil sa dalawang araw na kawalan ng sesyon nitong Lunes at Martes.
Ayon kay Senate President Pro Tempore at Acting Senate President Sherwin Gatchalian, partikular nilang concern ang confirmation ng promotion ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines.
Paliwanag ni Gatchalian, nakalinya na sanang sumalang sa CA ang promotion ng mga heneral pero nabitin ito dahil mula nang mapalitan ang Senate leadership sa ilalim ni Senate President Alan Peter Cayetano noong May 11 ay hindi na-constitute o nabuo ang CA.
Dapat ay inaanunsyo sa plenaryo ang mga senador na magiging miyembro ng CA.
Rerebyuhin aniya ng bagong majority ang listahan ng mga panukalang batas na kailangang matalakay at ang pangalan ng mga personalidad na kailangang makumpirma ng CA.