Oplus_131072
Naramdaman sa Lungsod ng Zamboanga ang Instrumental Intensity IV kasunod ng 7.8 magnitude na lindol sa Maasim, Sarangani batay sa inilabas na Earthquake Information No. 2 ng PHIVOLCS.
Matapos ang naranasang pagyanig, naglabas na rin ng abiso ang Pamahalaang Lokal ng Zamboanga na nagsususpinde sa klase sa lahat ng antas ngayong araw, maging ang trabaho sa local at national government agencies sa lungsod.
Kani-kanina lamang, bandang 8:55 ng umaga, nakaramdam muli ng pagyanig ang lungsod bunsod ng aftershock kung saan naramdaman ang Instrumental Intensity III sa Zamboanga.
Batay naman sa inilabas na Tsunami Warning ng PHIVOLCS, kabilang sa mga inaabisuhang lumikas patungo sa matataas na lugar ang mga residenteng nakatira sa coastal areas ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa banta ng tsunami. | ulat ni Justin Bulanon
📷 PHIVOLCS