Inihayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na handang-handa na ang kanilang hanay sa pagbibigay ng seguridad sa Balik Eskwela 2026.
Ayon kay MPD Spokesperson Police Maj. Philip Ines, nasa 1,600 pulis ang naka-deploy sa iba’t ibang eskwelahan sa Lungsod ng Maynila.
Aniya, makakaasa ang publiko na makikita at mararamdaman ang presensya ng MPD para na rin sa kaayusan at kaligtasan ng mga estudyante, magulang, at mga guro.
Bukod dito, naka-deploy na rin ang sapat na tauhan ng MPD sa mga itinayong Police Assistance Desks para sa mga may katanungan o mangailangan ng tulong.
Paalala naman ng MPD, sakaling may mapansin na mga kahina-hinalang indibidwal base sa kanilang presensya at mga galaw… agad itong i-report sa mga awtoridad o tumawag sa numerong 911 para sa mabilis na pagtugon.