Nananawagan si Chinese President Xi Jinping ng pagkakaisa sa harap ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Kung matatandaan, ang tema ng APEC Summit ngayong 2026 ay “Building an Asia-Pacific Community to Prosper Together.”
Sa harap ng mga lider, inanunsyo nito ang 20 million US dollars na pondo mula sa China upang suportahan ang mga proyekto ng APEC sa digital technology, cross-border data flow, clean energy, at pagpapaunlad ng small and medium enterprises.
Kaugnay nito, isinusulong naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng mga bagong merkado para sa mga produktong Pilipino, digital transformation, at paghikayat ng mas maraming investment upang makalikha ng de-kalidad na trabaho sa bansa.
Ginamit din ng pangulo ang pagkakataon upang ibida sa APEC leaders ang matagumpay na ASEAN chairmanship ng Pilipinas, kabilang ang ASEAN Digital Economy Framework Agreement na naselyuhan ngayong 2026.
Kung matatandaan, sa sidelines ng APEC Summit, una nang nagkaroon ng pull-aside meetings ang pangulo kasama si Vietnamese President Tô Lâm upang talakayin ang maritime affairs at food security.
Gayundin kay Mexican President Claudia Sheinbaum para sa trade, investment, at cultural exchanges. Nakausap din ng pangulo si New Zealand Prime Minister Christopher Luxon, at una na ring nagkaroon ng bilateral meeting kasama ang mga lider ng Peru, Chile, at Papua New Guinea.