Dapat maging proud ang mga Pilipino sa pagtugtog ng klasikong kantang “Anak” ni Freddie Aguilar bilang background music sa pagpasok nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos sa gala dinner ng APEC Summit sa Shenzhen, China.
Paliwanag ni Communications Usec. Claire Castro, ang awiting “Anak” ay isa sa pinakatumatak na awiting Pilipino sa buong mundo.
Ang pahayag na ito ng opisyal ay kasunod ng iba’t ibang reaksiyon ng netizen sa social media.
Ayon kay Castro, nananatiling sikat ang awiting ito.
Katunayan, naisalin na aniya ito sa iba’t ibang wika, kaya nararapat lamang na kilalanin sa isang international event.
“Ang kantang Anak ni Freddie Aguilar ay isa sa pinakatumatak na awit sa buong mundo. Internationally recognized at ipinagmamalaki natin ang awitin na yan. Makailang beses na nasalin yan sa iba’t ibang wika. Isang classic song ang “Anak”. Dapat natin itong ipagmalaki na hanggang ngayon ay sikat pa rin ang awiting ito.” -Castro.