Photo courtesy of Australian Prime Minister Anthony Albanese's Facebook Page
Pinuri ni Chinese President Xi Jinping ang malaking pag-unlad sa ugnayan ng China at Australia matapos ang ilang taong tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon kay President Xi, nakamit na ng dalawang bansa ang isang komprehensibong pagbabago sa kanilang relasyon sa nakalipas na apat na taon.
Inihayag niya ito matapos makipagpulong kay Australian Prime Minister Anthony Albanese sa sidelines ng APEC Summit sa Shenzhen, China.
Sinabi ng Chinese leader na handa ang Beijing na palawakin pa ang kooperasyon, isantabi ang mga pagkakaiba, at dalhin sa mas mataas na antas ang kanilang strategic partnership.
Ayon naman kay Prime Minister Albanese, mahalaga ang matatag at maayos na relasyon sa pagsusulong ng kaunlaran at kapakinabangan ng kanilang mamamayan.
Matatandaang lumamig ang relasyon ng dalawang bansa matapos igiit ng Australia ang imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19 pandemic.
Bagama’t naalis na ang maraming hadlang sa kalakalan, nananatili ang ilang usaping diplomatiko at pang-ekonomiya.
Tiniyak naman ng Australian leader na patuloy nilang haharapin ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng maayos at direktang pag-uusap.