President Donald J. Trump greets Chinese President Xi Jinping, Madame Peng Liyuan and other officials at Shenzhen Bao’an International Airport in Shenzhen, China, Wednesday, November 18, 2026. (Official White House Photo by Daniel Torok)
Inilarawan ni U.S. President Donald Trump bilang isang malaking tagumpay ang makasaysayang pagpupulong nila nina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin bago pa man magsimula ang kanilang talakayan sa Shenzhen, China.
Ayon kay President Trump, malaking karangalan ang mainit na pagtanggap sa kaniya ni President Xi na personal siyang sinalubong sa Paliparan tampok ang engrandeng seremonya, libo-libong dumalo, at pagpapakita ng paggalang ng Chinese government.
Gayunman, nananatiling hamon ang pagkakaroon ng kongkretong kasunduan sa pagitan ng tatlong makapangyarihang bansa.
Kabilang sa mga sensitibong usapin ang kontrol sa nuclear weapons, digmaan sa Ukraine at Iran, kalakalan, at pagpapalakas ng puwersang militar ng China.
Ayon sa mga analyst, maaaring mas maging makabuluhan ang simbolikong pagpapakita ng pagkakaisa kaysa sa aktuwal na resulta ng pagpupulong.
Samantala, mahigpit na sinusubaybayan ng mundo kung makatutulong ang pagpupulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at pandaigdigang seguridad.