Nagkaisa ang 148 bansa na paigtingin ang mga hakbang upang maiwasan at tuluyang wakasan ang karahasan laban sa mga bata.
Ito ang pangunahing layunin ng 2nd Global Ministerial Conference on Ending Violence Against Children na binuksan noong November 18 sa pangunguna ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado.
Mahigit 1,000 lider mula sa iba’t ibang bansa ang lumahok sa kumperensyang isinagawa katuwang ang World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF).
Kabilang sa mga prayoridad ang pagpapalakas ng suporta sa mga magulang, pagtitiyak ng ligtas na paaralan at pagpapahusay ng mga sistemang tumutugon sa karahasan laban sa mga bata.
Nanawagan naman si Mercado sa mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at international partners na pagtibayin ang koordinasyon upang maisakatuparan ang mga hakbang para sa kaligtasan ng bawat bata.