Umaasa ang South Korea na mapapalakas ang pakikipagtulungan nito sa China upang maisulong ang kapayapaan at katatagan sa Korean Peninsula.
Ito ang inihayag ni South Korean President Lee Jae Myung sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) gathering.
Ayon kay President Lee, mahalaga ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Korean Peninsula upang higit pang mapatatag ang estratehikong ugnayan ng Seoul at Beijing.
Binigyang-diin din niya ang pagtatatag ng mas pantay at kapwa kapaki-pakinabang na relasyon sa larangan ng ekonomiya.
Sinabi naman ng Chinese leader na handa ang Beijing na palakasin ang komunikasyon at koordinasyon sa South Korea.
Kabilang dito ang pagpapanatili ng matatag na pandaigdigang suplay ng mga produkto at industriya.
Samantala, nananatiling sentro ng atensyon ang posibilidad ng pag-uusap nina U.S. President Donald Trump at North Korean Supreme Leader Kim Jong Un.
Gayunman, wala pang kumpirmadong schedule para sa naturang pagpupulong.