Rechelle GaliciarpelleEdit Profile
Iniulat ng Department of Education (DepEd) na bumaba na sa 2.2 milyon mula sa dating 6.7 milyon ang bilang ng mga mag-aaral na nahihirapang magbasa batay sa assessment noong School Year 2025–2026. Katumbas ito ng 4.5 milyong mag-aaral na nakaahon sa pagiging struggling readers, habang 2.5 milyon ang nadagdag sa bilang ng mga grade-level ready sa pagbabasa.
Ito ay dahil sa Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program ng DepEd, na bahagi ng commitment ng Pilipinas sa ASEAN Declaration on Foundational Learning, na inaprubahan ng mga lider ng ASEAN sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ipinapakita ng resulta ng ARAL Program kung bakit dapat manatiling pangunahing prayoridad ng bansa ang foundational learning, dahil ito ang pundasyon ng oportunidad sa ekonomiya at kaunlaran ng mamamayan.
Kasunod ng tagumpay ng programa, plano pang palawakin ng DepEd sa susunod na School Year 2026–2027 upang mas mapalakas ang suporta sa mga mag-aaral sa pagbasa at matematika.