Patuloy ang paglago ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang pagkikita sa Malacañang ni United States President Donald Trump kung saan binanggit din ng Chief Executive na nananatiling nag-iisang treaty ally ng Pilipinas ang Amerika.
Sabi ng Pangulo, na kasabay ng pagtibay pa ng relasyon ng dalawang bansa ay ang tuloy-tuloy na pagtuklas ng mga bagong kooperasyon partikular na sa teknolohiya.
Dagdag ng Pangulo, siya ay kumpiyansa na sa hinaharap ay mas magiging malalim pa ang partnership ng Amerika at ng Pilipinas.
Samantala, binanggit din ni Pangulong Marcos sa kanilang paghaharap ni President Trump, na nagpadala siya sa kanyang staff ng Jollibee kagabi bilang midnight snack lalo at napaka-hectic aniya ng schedule ng US President at ng kanyang delegasyon.