Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbabalik ng libu-libong komyuter at motoristang magsisipag-uwian sa Metro Manila matapos ang mahabang bakasyon dahil sa ASEAN Summit
Kasunod nito, inatasan ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga unit commander sa ground na panatilihin ang mas mahigpit na pagbabantay at magtalaga ng mga tauhan sa mga transit corridor gayundin sa mga transportation hub.
Ipinag-utos din niya ang pagtatatag ng mga strategic police assistance at visibility point sa mga terminal ng bus, daungan, paliparan, at iba pang transport hub kung saan inaasahang magtatagpo ang mga babalik na pasahero.
Nakataas pa rin ang Full Alert Status ngayong Nobyembre 18 hanggang bukas, Nobyembre 19 kaya’t pinaalalahanan ng mga tauhan ng PNP na manatiling naka-alerto sa mga krimen at mga insidente kaugnay nito.
Una rito’y binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawani ng pamahalaan, volunteers at pribadong sektor dahil sa matagumpay na pagdaraos ng ASEAN Summit and Related Summits kung saan, chairman ang Pilipinas.