Photo courtesy of National Food Authority
Hindi itinigil ng National Food Authority (NFA) ang pagbili ng palay sa mga magsasaka sa kabila ng holiday sa National Capital Region (NCR).
Personal na nagtungo si NFA Administrator Larry Lacson sa NFA La Union Branch Office upang inspeksyunin ang nagpapatuloy na palay procurement operations ng ahensya.
Sa kanyang pagbisita, kinausap ni Lacson ang mga magsasakang nagdala ng kanilang aning palay upang alamin ang kanilang karanasan sa pagbebenta sa NFA.
Sinuri rin nito ang kondisyon ng mga pasilidad at operasyon sa San Juan GID Warehouses.
Sinabi pa ni Lacson, layunin ng inspeksyon na matiyak ang maayos na pagbili ng palay at tuloy-tuloy na serbisyo para sa mga lokal na magsasaka.