Naniniwala ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng bumaba nang hanggang 60% ang output ng mga hydropower plant sa bansa dahil sa inaasahang epekto ng El Niño.
Babala ito ng Department of Energy (DOE) dahil sa posibleng kakulangan ng tubig na ginagamit sa pagpapatakbo ng mga hydroelectric power plant.
Sa ngayon, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr., na nananatiling stable ang mga pangunahing dam sa Luzon, kabilang ang Angat Dam.
Nakabawi ang mga ito mula sa halos kritikal na lebel noong Hulyo, kasunod ng mga pag-ulan noong Agosto at Setyembre.
Gayunman, patuloy na binabantayan ang mga dam bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.
Patuloy din ang ugnayan ng NWRB at DOE upang mapangalagaan ang suplay ng tubig, irigasyon at kuryente.