Photo courtesy of DENR
Iprinesenta ni DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-Teh ang resulta ng ASEAN Study on Loss and Damage sa isang sesyon sa COP31.
Tinukoy sa pag-aaral ang kakulangan sa koordinasyon ng mga institusyon, datos pangklima, teknikal na kakayahan, at access sa pondo.
Naglatag din ito ng walong rekomendasyon upang mapahusay ang pagtutulungan ng mga bansang kasapi ng ASEAN sa pagtugon sa mga pinsalang dulot ng climate change.
Kabilang sa mga isyu ang climate displacement, pagtaas ng lebel ng dagat, pamamahala sa mga baybaying lugar, at social protection.
Ayon kay Rebuelta-Teh, layunin ng mga rekomendasyon na magkaroon ng mas koordinado at konkretong aksyon ang ASEAN laban sa mga epekto ng pagbabago ng klima.