Muling pinag-iingat ng Bureau of Immgiration ang mga Pilipino laban sa mga inialok na trabaho sa internet na nangangako ng mataas na sahod at signing bonus partikular na ang may kaugnayan sa foreign military forces.
Ginawa ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang paalala matapos maharang ang isang Pilipino sa NAIA Terminal-3 na bibiyahe sana patungong Vietnam para Magtrabaho sa isang foreign military.
Hinarang ang pasahero matapos mapansin ang immigration officers ang inconsistencies o pagkakaibaiba sa mga travel document nito kanyang mga pahayag.
Sa isinagawang secondary inspection ay inamin ng pasahero na nakilala nya ang nagrecruit sa kanya sa isang facebook adverstisement na nag-aalok na ₱100,000 buwanang sahod at 10,000 us dollars na signing bonus.
Ayon sa BI officers, posibleng biktima ang pasahero ng human trafficking o illegal recruitment. Iturned over ang naharang na pasahero sa the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para isailalim sa assessment at assistance.