Umabot sa ₱5.4M ang kabuuang sahod na ipinamahagi ng Department of Labor and Employment o DOLE sa isang libong benepisyaryo ng TUPAD Program sa Pantukan, Davao de Oro.
Kabilang sa mga tumanggap ng tulong ang mga katutubo, vulcanizer at mangingisda na nabigyan ng pansamantalang trabaho sa ilalim ng programa.
Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng tig-₱5,400 matapos makumpleto ang sampung araw na community work, kabilang ang paglilinis at pagpapanatili ng kaayusan sa mga pampublikong lugar.

Isinagawa ang pamamahagi sa TESDA Grounds sa Pantukan, kasabay ng pagdiriwang ng Pasaka Festival o Indigenous Peoples’ Day.
Ayon sa DOLE Davao de Oro, layunin ng programa na magbigay ng pansamantalang pagkakakitaan sa mga manggagawang kabilang sa mga bulnerableng sektor.
Bukod sa TUPAD, patuloy ring nagpapatupad ang ahensya ng mga programa sa skills development, kabuhayan at employment assistance upang matulungan ang mga benepisyaryo na magkaroon ng mas matatag na pagkakakitaan.
📸 DOLE Davao de Oro