Itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang regional priorities bilang paghahanda sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN Labor Inspection Committee (ALICOM).
Sa pamumuno ng DOLE sa 2027, tututukan ang upskilling ASEAN labor inspectors, pagpapabuti ng safety compliance ng small businesses at informal workers, gayundin ang paggamit ng digital tools para sa modernisasyon ng labor enforcement.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kailangan ang mas malapit na kolaborasyon sa maritime agencies upang ipatupad ang regional guidelines na layong protektahan ang mga mangingisda sa ASEAN Region kasunod ng ginanap na 6th ALICOM Meeting sa Pampanga.
Alinsunod sa ASEAN Guidelines on Strengthening Labour Inspection in the Fishing Sector ang ang ALICOM Work Plan 2022-2030, isusulong ng DOLE ang pinalawak na cross-border maritime inspections at ang palitan ng best practices sa rehiyon.