Nagsampa na ng kasong murder ang Police Regional Office 9 (PRO-9) laban sa tatlong suspek na umano’y sangkot sa pamamaril sa isang Presiding Judge sa lungsod ng Zamboanga.
Inihain ang reklamo sa Zamboanga City Prosecutor’s Office kasunod ng masusing imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) “Wee Sit.”Ayon kay PRO-9 Regional Director, PBGen. Elmer E. Ragay, bahagi ito ng kanilang pagsisikap na makamit ang hustisya sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon at pagpapatibay ng kaso gamit ang mga nakalap na ebidensya.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, patungo sa pantalan ng Zamboanga ang biktima na si Basilan Regional Trial Court (RTC) Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sitna babiyahe sana papuntang Basilan nang mangyari ang insidente.
📷 PNP Zamboanga City Police Office