Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na human error ang dahilan ng pagguho ng tulay na ginagawa sa Gandara, Samar.
Ayon kay Public Works Secretary Giovanni Lopez, nabatid na inalis ang roller attachment nang walang approval.
Inamin naman ng crane operator ng contractor na human error ang sanhi ng insidente.
Kumpiyansa ang kalihim sa kalidad ng precast girders na ginamit sa proyekto subalit itutuloy ng DPWH ang imbestigasyon para ganap na matukoy ang sanhi at kaukulang aksyon ukol dito.
Inihahanda naman ng kagarawan ang catch-up plan sa gitna ng inaasahang isa o dalawang araw na pagkaantala ng proyekto.