Target ng Department of Public Works and Highways na buksan sa unang linggo ng Disyembre ang dalawang bahagi ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX).
Inaasahang maiibsan nito ang mabigat na traffic at mapapabilis ang biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna.
Ayon kay DPWH Secretary Giovanni Lopez, sasailalim muna sa final road safety audit ang dalawang bahagi ng expressway saka irerekomenda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na buksan sa mga motorista.
Sa sandaling buksan, mababawasan ng 45 minutes ang mahigit dalawang oras na biyahe sa pagitan ng Cavite at Laguna at inaasahang mapapabuti ang access sa mga business establishment at malalaking kompanya sa dalawang lalawigan.
Ang pagbubukas ng malalaking infrastructure projects bago mag pasko ay isa sa mga ipinag-utos ni Pangulong Marcos nang maupo si Lopez bilang DPWH secretary.