Nagkaloob ng ayuda si Senate President Pro Tempore Win Gatchalian sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakahiwalay na insidente ng sunog sa Maynila.
Personal na ipinamahagi ni Gatchalian ang 3,100 sako ng bigas para sa 2,984 pamilyang naapektuhan ng sunog sa San Nicolas, Manila noong May 23.
Nagbigay rin siya ng karagdagang 150 sako ng bigas para sa 134 na pamilyang nasunugan sa Baseco, Manila noong May 30, kabilang ang mga biktima ng iba pang insidente ng sunog mula Pebrero hanggang Mayo.
Ayon kay Gatchalian, mahalagang maipagpatuloy ang serbisyo publiko upang matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang nahaharap sa paglikas, mataas na gastusin sa pamumuhay, at iba pang hamong pinansyal.
Isa rin sa mga prayoridad ni Gatchalian ang pagtugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin na labis na nakaaapekto sa mga pamilyang may mababang kita.
