Opisyal na ring nagbalik eskwela ang nasa 61,000 mag-aaral sa 42 pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa Lungsod ng Malabon.
Nakiisa si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa flag-raising ceremonies sa Malabon Elementary School at Malabon National High School, kung saan personal niyang binati ang mga mag-aaral, guro, at mga magulang sa unang araw ng pasukan.
Kasabay nito, namahagi rin ang alkalde ng mainit na pagkain sa mga mag-aaral bilang suporta sa kanilang unang araw ng klase.
Ayon kay Mayor Jeannie, handa ang lokal na pamahalaan na tiyakin ang ligtas, maayos, at angkop na kapaligiran para sa pag-aaral ng mga kabataan.
Tiniyak din nitong patuloy na nakikipagtulungan sa Department of Education at iba pang sektor para mapabuti ang mga pasilidad ng paaralan at maisulong ang kapakanan ng mga estudyante.